Timbog ang dalawang titser matapos magbigay ng mga peleng travel dociment sa birder control checkpint sa Bgu. Salvacion, Rosales.

Kinilala ang mga suspek bilang sina Jovinel Fonacier at Jomar Gragamza na kapwa tubong Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, nakasakay sa isang commuter van ang dalawa nang harangin ng Philippine National Police quarinte control point sa boundary ng Nueva Ecija-Pangasinan ay nagpresenta ang mga ito ng mga pekeng medical certificate.

Nahaharap ang dalawa sa mga kasong falsification by private individual at use of falsified documents sa ilalim ng Revised Penal Code alinsunod sa Omnibus Guidelines para sa ikinasang community quarantine sa bansa.

Agad namang inamin ng dalawa na peke ang kanilang dokumento at pinagawa nila ito kay Neri CariƱo ng Guimba na taga Nueva Ecija rin.

Matatandaang ginawang requirement ang pagpapakita ng mga medical certificates tuwing papasok sa mga lalawigan. (VAPA)

The post 2 titser nameke ng dokumento, timbog first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-titser-nameke-ng-dokumento-timbog/)