Aabot sa 34 na miyembro at staff sa House of Representatives ang nagpositibo sa COVID-19 sa unang buwan ng 2021.

Ayon sa pahayag ni Secretary General Mark Llandro Mendoza, sa 2,848 na sumalang sa RT-PCR testing, nasa 34 ang nagpositibo sa naturang sakit.

Ang COVID-19 testing ay ginawa mula January 18 hanggang 27.

Hindi naman pinaalam kung sino-sino o ano ang posisyon ng bawat tinamaan ng nakahahawang virus.

Dahil dito, pinag-utos ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mas mahigpit na health protocol sa loob ng Batasang Pambansa lalo’t nasa bansa na ang UK COVID-19 variant.

“Speaker Velasco said we must continue or even intensify our efforts to prevent the spread of COVID-19, especially now that a new variant of coronavirus is gaining a foothold in the country,” lahad ni Mendoza.

The post 34 empleyado sa Kamara sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/34-empleyado-sa-kamara-sapol-ng-covid/)