Sumampa na sa 10,087 ang naitalang kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 na kawani ng Philippine National Police (PNP) matapos itong madagdagan ng 45 bagong kaso kahapon.

Sa inilabas na ulat ng PNP sa kanilang Facebook page, makikitang nasa 9,467 na ang naitalang gumaling mula sa naturang virus.

Nanatili naman sa 28 ang kanilang death toll rate.

Kasalukuyang 592 ang nananatiling mga aktibong kaso.

The post 45 pang parak sapul ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/45-pang-parak-sapul-ng-covid-19/)