Umabot sa P88 milyon ang inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash gift ng halos 900 centenarian nationwide.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nasa 886 centenarian ang nakatanggap ng P100,000 cash reward noong 2020.

Batay iyon sa Centenarians Act of 2016 kung saan lahat ng Pilipino na umabot sa edad na 100 pataas, nakatira man sa Pilipinas o sa ibang bansa, ay pagkakalooban ng centenarian gift na P100,000 at letter of felicitation na pirmado ng Philippine President.

Mula 2016 hanggang 2019, kabuuang 5,609 centenarian ang tumanggap ng kanilang P100,000 cash gift.

The post 886 centenarian nabigyan ng P100K first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/886-centenarian-nabigyan-ng-p100k/)