15 mga local government unit (LGU) na ang nagpahayag na naglaan na sila ng badyet upang maturukan ng COVID-19 vaccine ang kani-kanilang mga nasasakupan.

Hanggang nitong Enero 4, may COVID-19 vaccine fund na ang:

– Cainta, Rizal (P150 milyon)
– Caloocan (P125 milyon)
– Iloilo City (P200 milyon)
– Makati (P1 bilyon)
– Mandaluyong (P200 milyon)
– Manila (P250 milyon)
– Marikina (P82.7 milyon)
– Navotas (paunang P20 milyon)
– ParaƱaque (P250 milyon)
– Pasig (P300 milyon)
– Puerto Princesa, Palawan (P500 milyon)
– Quezon City (P1 bilyon)
– San Juan (P50 milyon)
– Valenzuela (P150 milyon)
– Zamboanga City (P200 milyon)

Hinikayat naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang mga LGU na makipag-ugnayan sa pambansang pamahalaan gayong wala pang vaccine candidate sa bansa na binibigyan ng final approval at ng pahintulot na maibenta ang kanilang bakuna sa madla.

“Ang local governments ay hinihikayat ng national government to work with us because we can pool the funds and the national government can procure, and we can have an effective distribution system,” aniya pa.

The post ALAMIN: Mga LGU na may pondo na sa Covid bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alamin-mga-lgu-na-may-pondo-na-sa-covid-bakuna/)