Hindi magagawa ng mga public official na kunin ang credit sa mga proyekto ng gobyerno alinsunod sa probisyon na nakapaloob sa 2021 budget na isinulong ni Senadora Grace Poe.

“Taxpayers, not politicians, fund the projects and programs. Their names or photos have no place there,” pahayag ni Poe.

“Public officials, whether elected or appointed, should not make it appear that their constituents owe them gratitude for the projects,” diin nito.

Ang “anti-epal” provision ay pinagtibay bilang General Provision No. 81 sa 2021 budget, na nagbabawala sa paglakip ng pangalan, mukha, logo, lagda at iba pang imahe ng sinumang public official, halal man ito o itinalaga, sa lahat ng programa, aktibidad at proyekto na pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).

Itinulak din ni Poe ang kahalintulad na amendement sa 2018 budget na isinama sa nilagdaang batas.

Ayon kay Poe, ang pag-label o pagtatak ng mga proyekto ng mga pangalan ng mga politiko ay mistulang maagang mapangangampanya para sa eleksiyon o eleksiyon gamit ang public funds.

“Nakapaskil ang pangalan at litrato ng ibang politiko sa mga ambulansya, waiting shed, ultimo sa basurahan,” sabi ni Poe.

“Sa paggamit ng 2021 budget, bawal ang politikong epal. Tandaan natin, hindi natin pera ito, pera ito ng ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

The post Anti-epal provision kasama sa 2021 budget – Poe first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/anti-epal-provision-kasama-sa-2021-budget-poe/)