Sinusulong ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na muling bigyan ng tulong pinansyal ang mga pamilya dahil sa pagtaas ng bilihin para sa mga pangunahing pangangailangan.

Saad ng dating House Speaker, kanyang ilalakad sa Kamara na mabigyan ng P10,000 ang mga pamilya bilang tulong sa pagsirit ng presyo ng pagkain at iba pang produkto.

“Because the COVID-19 vaccine is toward the end of the year, we are readying a proposal that would give P10,000 to each Filipino family in aid this year,” lahad ng dating House Speaker.

Aniya, puwedeng makuha ang budget para sa naturang cash aid mula sa 2021 national budget o hindi kaya’y sa pamamagitan ng loan.

Saad pa ni Cayetano, ang naturang ayuda ay paraan para muling mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Napaulat na bumagsak ang gross domestic product ng Pilipinas sa 9.5% noong nakaraang taon, ang pinakamalubha simula noong panahon ng World War II noong 1947.

The post Bilihin sobrang mahal na! P10K ayuda sa bawat pamilya hinirit ni Cayetano first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bilihin-sobrang-mahal-na-p10k-ayuda-sa-bawat-pamilya-hinirit-ni-cayetano1/)