Sugatan ang isang edad 12 na lalaki sa Ilagan, Isabela na pinulot ang isang hindi pumutok na whistlebomb.

Sinindihan niya ito, ayon sa GMA News, pero hindi lumaki ang apoy.

Kaya hinipan ng lalaki ang whistlebomb, at matapos ang ilang saglit ay sumabog ito sa kanyang mukha.

Sinugod ang 12-anyos sa ospital. Nagtamo siya ng mga sugat mula sa iligal na paputok.

Samantala, hinahanap na ng otoridad ang tindero ng whistlebomb.

The post Binatilyo sabog mukha sa paputok first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binatilyo-sabog-mukha-sa-paputok/)