Ayon sa chief operating officer (COO) ng Bren Esports, isang ganap na industriya ang electronic sports at hindi lang basta-basta laro.

Ani Jab Escutin, COO ng Mobile Legends: Bang Bang M2 World Champion Bren Esports, hindi dapat mabahala ang mga magulang ng kabataang nalululong sa umuusbong na global sports scene.

“One of the things that we want parents to understand is that esports is an actual industry. The players usually get the spotlight, but they are just only the tip of the iceberg,” ani Escutin sa isang panayam ng CNN kanina.

Sa katunayan aniya, may lugar ang mga accountant, information technology professional at multimedia artist sa esports dahil kailangan ang mga ito sa paggawa ng mga content at pag-promote ng mga koponan tulad ng Bren.

Pinaalalahanan naman ni Karl Gabriel Nepomuceno, a.k.a KarlTzy, ang mga manlalaro ng esports game na huwag pabayaan ang kanilang pag-aaral.

“Just play and play till you want. But remember, don’t neglect your studies,” anang Mobile Legends: Bang Bang M2 World MVP.

Ani Escutin, patuloy silang magsisilbing inspirasyon para sa mga nangangarap maging propesyonal na manlalaro.

“We want to continue educating new and aspiring players on how to build a career in the backend of esports. If you want to be a professional athlete, this is the work that has to be done and this is the way to do it properly so you can continue to succeed in esports.”

Matatandaang hinirang bilang kampeon ang naturang esports team sa ginanap na 2020 Mobile Legends: Bang Bang M2 World Championship noong Enero 24.

Binalya nila ang koponang Burmese Ghouls ng Myanmar sa iskor na 4-3.

The post Bren: Esports ‘di lang basta laro, may patutunguhan din! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bren-esports-di-lang-basta-laro-may-patutunguhan-din/)