Inaprubahan na ng Department of National Defense (DND) at Philippine Navy (PN) ang delivery ng BRP Antonio Luna (FF-151) na magsisilbing ikalawang missile frigate ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng PN na sumailalim na sa mga sea trial at pagsisiyasat ang FF-151 sa South Korea noong Enero 25-29.

Ani Rear Admiral Alberto Carlos ng PN, maganda ang ipinakitang kondisyon ng frigate sa mga isinagawang trial noong Setyembre hanggang Nobyembre ng nakaraang taon.

Ang BRP Antonio Luna ang ikalawang missile frigate ng PN na ginawa ng Hyundai Heavy Industries.

Una nang nahatid sa bansa ang BRP Jose Riza (FF-150) Hulyo ng nakaraang taon.

Inaasahang makakatulog ang mga naturang frigate kung magkaroon man ng digmaan sa dagat.

The post BRP Antonio Luna malapit na dumaong sa ‘Pinas – Navy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/brp-antonio-luna-malapit-na-dumaong-sa-pinas-navy/)