Inirekomenda ni Senador Francis Tolentino na maghain ng joint diplomatic protest sa United Nations (UN) kasama pa ang ibang bansa sa Southeast Asia para iprotesta ang batas ng China na pumapayag na atakihin ng kanilang coast guard ang mga foreign vessel na maglalayag sa West Philippine Sea.

Ginawa ni Tolentino ang panawagan sa bisperas ng pagpapatupad ng naturang bagong batas ng China magsisiumula ngayong Pebrero 1.

Bagama’t naghain na si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ng diplomatic complaint, sinabi ni Tolentino na dapat simulat na ng kalihim ang magpatawag ng emergency meeting kasama ang mga foreign minister ng ibang bansa para pormal na talakayin at makapaglatag ng solusyon sa naturang hakbang ng China.

“wede siguro imungkahi ni Sec. Locsin na yung mga claimant nations sa West Philippine Sea, and I’m referring to Brunei Darussalam, Malaysia, Vietnam, eh magkaroon ng emergency meeting. Kahit zoom, kahit virtual meeting lang,” pahayag ni Tolentino sa panayam sa DZBB.

“Lahat ng mga affected nations…pwedeng magkaroon ng emergency meeting. Pag-usapan to, formally o informally, ano ba yung pwede nating gawin? Pwede tayo magfile ng joint diplomatic protest sa United Nations. So dapat magtulong tulong na yung mga apektado. Hindi lang tayo,” dagdag nito.

Ayon pa kay Tolentino, dapat ding ipatawag ng DFA ang Ambassador ng Pilipinas sa Beijing para magpaliwanag kung bakit nabigong iulat ang naturang kaganapan sa Pilipinas.

Dapat aniya’y tinalakay din ng foreign minister ng China noong dumating siya sa bansa noong kaagahan ng Enero nang ihatid niya ang balita sa libreng COVID-19 vaccine at loan sa Pilipinas.

“You know, that is part of their job, to alert us. That is why they are there because they are the listening force of the government. I just don’t know if they lack staff or they do not have access to China’s National Peoples Congress’ standing committee,” sabi ni Tolentino.

“I can’t blame them but just the same, the only way we can deal with this now, of course, is through a diplomatic route,” punto pa nito.

The post Coast guard law ng China iprotesta ng mga ASEAN country sa UN – Tolentino first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/coast-guard-law-ng-china-iprotesta-ng-mga-asean-country-sa-un-tolentino/)