Tumalon na sa 21 milyon ang mga indibidwal sa United States of America na nahawa sa coronavirus disease 2019.

Ayon sa COVID-19 Dashboard ng Center for Systems Science and Engineering (CSSE) sa Johns Hopkins University (JHU), Miyerkoles, 21,007,694 na ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 doon.

Ang Amerika ang nangunguna sa mga bansa worldwide sa dami ng naitalang kaso ng virus.

Samantala, 356,540 ang namatay doon dahil sa COVID-19 habang walang datos ang JHU-CSSE sa bilang ng recoveries sa USA.

Sa ngayon, may 254,613,902 coronavirus test nang sinagawa sa Amerika.

The post Covid-positive sa Amerika 21 milyon na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-sa-amerika-21-milyon-na/)