Umakyat na sa 48 milyon ang mga pasyente sa buong mundo na gumaling mula sa coronavirus disease 2019.

Sa datos ding nakalap ng Johns Hopkins University, sinasabing 48,080,153 na ang mga nakarekober mula sa COVID-19.

Nangunguna sa listahan ang India (9.95 milyon), na sinundan ng Brazil (6.95 milyon) at Russia (2.61 milyon).

Samantala, ayon din sa JHU, 85,596,589 na ang tinamaan habang 1,851,016 ang pinatay ng nasabing nakahahawang sakit.

191 na umano ang mga bansa at teritoryo na may kaso ng COVID-19.

The post Covid survivor sa daigdig 48M na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-survivor-sa-daigdig-48m-na/)