Balak ng Philippine Red Cross na maglagay ng testing facility sa loob ng mga malalaking mall sa bansa.

Ayon kay PRC Molecular Laboratory head Dr. Paulyn Ubial, ang kanilang gagamiting test kit ay ang saliva RT-PCR test, na mas mura kumpara sa ibang COVID-19 test.

“Sa mga malls po, iilang mga malalaking malls, nakipag-ugnayan na rin sa Philippine Red Cross, magiging available na rin po ang saliva RT-PCR,” lahad ni Ubial sa dzBB.

Aniya pa, mas ligtas umano ang saliva test para sa mga nangongolekta ng sample sa mga posibleng COVID-19 carrier.

“Ang parang gagawin sa labas ng malls po, sa labas ng parking lot nila, parang drive-thru. Nasa loob lang kayo ng kotse, bigyan kayo ng sample kit, doon po kayo dudura, then iaabot niyo sa sample collector. Hindi na po kailangan lumabas ng kotse,” paliwanag ni Ubial sa magiging proseso sa saliva testing.

The post COVID testing ilalagay sa mga mall first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-testing-ilalagay-sa-mga-mall/)