Tatlo ang patay samantalang 34 naman ang naitalang nasa ospital matapos mapabalita ang diarrhea outbreak sa munisipalidad ng Jose Abad Santos, Davao Occidental ngayong araw.

Ayon kay Roger Deloy ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Jose Abad Santos, ang 34 nasa ospital ay nagmula lahat sa Bgy. Butuan.

Kalidad ng tubig sa lugar ang pinaghihinalaang naging sanhi ng outbreak ngnuit iniimbestigahan pa kung tubig nga ang salarin sa diarrhea.

“Sa tubig ata (dahilan ng outbreak) pero still ini-evaluate pa ng mga taga-RHU namin,” ani Deloy.

The post Diarrhea outbreak ginimbal mga tao sa Davao Occidental first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/diarrhea-outbreak-ginimbal-mga-tao-sa-davao-occidental/)