Walang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para magsuot ng dobleng face mask ang publiko sa pagpasok ng COVID-19 UK variant sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, wala pang nagpapatunay kung epektibo nga ba ang pagsusuot ng dalawang face mask kontra sa coronavirus.

Aniya’y sapat na ang nakalatag na protocol na face mask at shield pangontra sa pagkalat ng virus.

“Makikita ho natin, ito pong paggamit natin ng facemask which provides us about 60 to 70 percent protection, plus the face shield and physical distance will provide us about 99 percent protection,” lahad ni Vergeire.

Dagdag pa ng health official, nakatutok ngayon ang gobyerno sa pagkuha ng bakuna, ngunit kailangang siguruhin na ligtas ito bago ibigay sa publiko.

“Tayo po naman ay mag-uumpisa na rin soon ‘no, so kailangan lang po talaga ang pakikipagtulungan ng lahat ng ating mga kababayan dito sa gagawin nating bakunahan para sa kanila,” aniya pa.

The post DOH: Dobleng suot ng face mask ‘di kailangan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-dobleng-suot-ng-face-mask-di-kailangan/)