Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga doktor na magbibigay ng bakuna o gamot na hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Ani Health Secretary Francisco Duque III, babawiin ang medical license ng mga ito at hindi na maaaring manggamot pa.

“We will investigate the illegal administration of unauthorized smuggled vaccines, specifically doctors and other medical professionals who administer them,” pahayag ni Duque sa joint statement nila ng FDA.

“We will have their medical licenses revoked. We doctors have an oath. Do no harm. In a pandemic, we need to be more circumspect,” dagdag niya.

Inihayag iyon ni Duque dahil sa mga balitang ilang mambabatas ang nakikipagkita sa mga doktor sa mga mamahaling hotel para magkape at saka magtutungo magpapaturok ng COVID-19 vaccine sa kuwarto.

“The risks cannot be denied and may even prove fatal to some,” giit ni Duque.

The post DOH: Tanggal lisensya sa doktor na magbabakuna ng ‘di aprubado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-tanggal-lisensya-sa-doktor-na-magbabakuna-ng-di-aprubado/)