Nabigyan umano ng maling impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng gagawing pagdinig ng Senado sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Sabi ni Sotto, na-misinformed at na-misled umano ang pangulo sa napabalitang ipapatawag sa pagdinig ng Senado ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na nauna nang nabakunahan gamit ang COVID-19 vaccine kahit na hindi pa ito rehistrado.

“He [President Duterte] is misinformed,” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter.

“I’m the Chairman of the Committee of the Whole as Senate President. The topic of my hearing is the roadmap for the P72.5 B for vaccines. Who in heaven’s name told him I’m calling for the PSG? I think the President is being misled,” dagdag pa nito.

Nang tanungin kung magkakaroon ba ng hiwalay na pagdinig ang Senadp sa PSG, sinabi ni Sotto na, “Who will? What committee? Health? Ask Bong. Defense? Ask Ping.”

Ang tinutukoy nito ay sina Senador Christopher “Bong” Go at Panfilo “Ping” Lacson, na parehong chairman ng Senate committees on health at defense.

Nauna nang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat ipatawag ng Senate Committee of the Whole si PSG chief, Brig. Gen. Jesus Durante III, para magpaliwanag sa nasabing isyu

The post Duterte misinformed, misled – Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-misinformed-misled-sotto/)