Malaking kaluwagan ang pagbaba ng presyo ng gulay sa ilang palengke sa Metro Manila.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kasalukuyang P120 na ang repolyo na dati ay P160. Nagmura rin ang ampalaya na ngayo’y P100 na mula P160-P180.

Ilan din sa mga naitala nilang gulay na nagmura ay:

*Okra – P80 mula P160
*Siling pula – P400-P500 mula P800-P1,200
*Sibuyas – P100 mula P160
*Pipino – P60 mula P160
*Lechugas – P100 mula P200-P250
*Pechay Baguio – P80-P100 mula P120

Anang mga tindera sa pamilihan, may iilan ding gulay ang nagmahal ng presyo tulad ng carrot na kasalukuyang nagkakahalaga ng P120- P140 mula P80 at kalabasa na P90 mula P30.

Nagtaas din umano ng P10 ang presyo ng buong manok na dating P190

The post Gulay bagsak-presyo sa ilang palengke sa Metro Manila first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gulay-bagsak-presyo-sa-ilang-palengke-sa-metro-manila/)