Viral ang isang hairstylist na matiyagang nililibot ang Quezon City upang magbigay ng libreng gupit sa mga taong nasa lansangan gaya ng mga basurero at walang tirahan.

Ginagawa raw ito ng 27-anyos na si Marko Bustarde dahil gusto niyang makatulong sa paraang kaya niya.

“Hi ako nga pala si Marko Bustarde. Ito ang ginagawa ko bago dumating ang mga zombieee at aliennn,” biro ni Bustarde sa isang Facebook post niya.

Bukod sa libreng panggugupit ay nagpapakain din si Bustarde ng mga aso at pusang kalye.


The post Hairstylist kinabiliban sa libreng gupit sa mga taong lansangan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hairstylist-kinabiliban-sa-libreng-gupit-sa-mga-taong-lansangan/)