Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega ngayong Linggo na ‘high risk’ o nasa delikadong istatus na ang healthcare capacity ng Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa naturang rehiyon.

“Tumaas talaga ‘yung active cases doon sa CAR. Kung titignan mo naman ‘yung healthcare capacity, mataas siya, nasa high risk na siya. Ibig sabihin noon, tumatama na sa 70% or more ang kanyang healthcare utilization,” ani Vega sa Dobol B News TV kanina.

Sambit niya, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalaan hinggil sa pagtatatag ng mga isolation facility sa kanilang lugar.

Aniya, hakbang ito sa pagbawas nila ng mga pasyente sa mga ospital.

Matatandaang naitala sa Bontoc, Mountain Province ang 12 kaso ng UK Covid variant noong nakaraang linggo.

Isasailim ang naturang rehiyon sa general community quarantine simula bukas, Pebrero 1.

The post Healthcare capacity ng CAR ‘high risk’ na – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/healthcare-capacity-ng-car-high-risk-na-doh/)