Tumulin sa 3.5 porsiyento ang inflation rate ng Pilipinas noong Disyembre, ang pinakamataas mula Marso 2019.

Kaya pumalo sa 2.6% ang average inflation para sa taong 2020, ayon din sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Pasok ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mula 2.9% hanggang 3.7%.

Ang pag-akyat ng inflation ay tinulak ng mas mataas na mga presyo ng pagkain, dagdag ng PSA.

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing serbisyo at produktong binibili ng mga consumer, gaya ng pagkain at gasolina.

The post Inflation bumilis sa 3.5% first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/inflation-bumilis-sa-3-5/)