Dumating na sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila ang replica ng imahen ng Itim na Nazareno ngayong araw.

Bago ito, napaulat na dinala rin ang replica sa San Lazaro Hospital.

Ang pagbisita ng imahen ay bahagi ng Pista ng Itim na Nazareno na pinagdiriwang ngayong buwan.

Dahil sa pandemyang COVID-19, kinansela ng Manila local government ang Traslacion o ang prusisyon para sa Poong Itim na Nazareno ngayong taon, na karaniwang ginagawa kada Enero 9.

The post Itim na Nazareno dinala sa Manila Cathedral first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/itim-na-nazareno-dinala-sa-manila-cathedral/)