Natuwa ang mga fan ni Janella Salvador sa kakaibang pamamaraan niya ng pagpapatulog sa kanyang baby.

Sa Twitter, isang fan ni Janella ang nag-share ng video kung saan hinehele ng Kapamilya actress si baby Jude.

Pero hindi gaya ng ibang mommy na lullaby songs ang panghele sa kanilang junakis, theme song ng ineendorso niyang brand ng kape ang kinanta ni Janella.

“Kinantahan ni Janella ang baby niya ng Great Taste White Caramel,” sabi ng nag-post na si @notbeyax.


Narito comment ng ilang netizen:

“Hahahahahha ganyan pag adik na sa kape.”

“Pag ako nagkaanak habang nagbrebreastfeed o sumususo sa bottle yung bata. Ito kakantahin ko sa kanya hahahaha!”

“Naku naku! Hinahanda na yung bata maging next endorser ng Kape HAHHAHAHHAA wala ng diaper2 at gatas! Sa kape na agad hahahahhaha.”

The post Kakaibang panghele ni Janella kinatuwaan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kakaibang-panghele-ni-janella-kinatuwaan/)