Tumaas ang mga naitalang kaso ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR) matapos ang holiday season ayon sa OCTA Research team nito lamang Sabado.

Ayon sa ulat, 554 bagong kaso ang naitala sa NCR noong Diyembre 31 at 404 naman noong Enero 1.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 320 mga bagong kaso sa NCR noong Disyembre 26.

Saad ng OCTA Research team, ang paglobo ng mga naitalang kaso ay dahil sa kakulangan ng mga bukas na testing center noong holiday.

“This leads us to expect an increase in the number of new COVID-19 cases in the first week of January 2021 as testing centers resume normal operations,” anila.

Kasalukuyang nasa higit 476k na ang naitalang kaso bansa.

The post Kaso ng Covid-19 sa NCR tumaas – OCTA Research team first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaso-ng-covid-19-sa-ncr-tumaas-octa-research-team/)