Pinalawig ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagpapatupad ng liquor ban at curfew sa kanyang lungsod hanggang katapusan ng Marso.

Aniya, magsisilbing hakbang ang mga ito sa pag-iwas nila sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Kasalukuyan kasing full occupancy na ang mga COVID-19 bed sa Southern Philippines Medical Center.

Kabilang ang Davao City sa mga lugar na nakasailalim pa rin sa general community quarantine.

Sa ngayon, pumalo na sa 11,459 kaso ng COVID-19 ang naitala sa naturang lungsod.

1,502 dito ay nananatiling aktibo.

The post Liquor ban, curfew sa Davao magtatagal hanggang Marso 31 – alkalde first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/liquor-ban-curfew-sa-davao-magtatagal-hanggang-marso-31-alkalde/)