Dahil sa paglakas ng hanging amihan, inaasahan na magtutuloy-tuloy pa ang nararanasang malamig na panahon sa Metro Manila.

Ayon sa Pagasa, ang magiging temperatura sa NCR ay maglalaro mula 22 degrees hanggang 29 degrees Celsius.

Wala namang inaasahang pag-ulan sa kalakhang Luzon sa susunod na tatlong araw.

Samantala, posibleng makaranas ng mga bahagyang pag-ulan sa Bicol, Cordillera at Cagayan Valley.

The post Malamig na klima sa Metro Manila asahan na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/malamig-na-klima-sa-metro-manila-asahan-na/)