Kontra ang Department of Education (DepEd) sa mungkahing ipasa na ang lahat ng estudyante ngayong school year dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio sa report ng dzBB, may mga estudyanteng ginagapang ang kanilang pag-aaral sa kabila ng hirap ng blended learning.

Hindi umano ito magiging patas kung ipapasa ang lahat lalo’t may ilang mag-aaral din na tila hindi sineseryoso ang kanilang mga leksyon.

Aniya pa, dagdag motibasyon din para sa isang estudyante na makita ang kanyang pinaghirapang grado.

The post Matik pasado sa bawat estudyante pinalagan ng DepEd first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/matik-pasado-sa-bawat-estudyante-pinalagan-ng-deped/)