Karamihan ng mga Pilipino ay gustong iprayoridad ng gobyerno ang mga bisikleta at pampublikong sasakyan kaysa sa mga pribadong sasakyan, ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa November 2020 survey, na inisponsoran din ng Department of Health, 87% ang nagsabi na magiging maayos ang mga kalsada kung mas bibigyan ng prayoridad ang mga pampublikong transportasyon, mga bisikleta at pedestrian.

Lumabas din na 85% ng mga Pilipino ang naniniwala na ang kanilang lungsod o munisipalidad ay magiging isang magandang lugar para sa paglalakad at pagbibisikleta.

Isinagawa ang survey sa 1,500 Pilipino nationwide.

The post Mga Pinoy gusto unahin sa kalsada mga bisikleta, pampublikong sasakyan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pinoy-gusto-unahin-sa-kalsada-mga-bisikleta-pampublikong-sasakyan/)