Nasa 50 kadete at food handler ng Philippine Military Academy (PMA) ang nahawa sa coronavirus disease 2019.

Sabi ito ni AFP spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo ngayong araw, habang tinitiyak sa mga magulang na ginagawa nila lahat para alagaan ang mga kadete.

“Ayon sa kanilang pagsusuri, ang mga food handler actually ang siyang nakapagdala ng virus at naka-break ng COVID-19 bubble dyan sa loob ng akademiya. Kung kaya nga po doble ang ating ginagawang pag-iingat,” punto niya sa ABS-CBN’s Teleradyo, Enero 5.

“Nais nating kalmahin ang loob ng mga magulang ng mga kadete: ginagawa po ng pamunuan ng academy ang lahat ng stringent measures at health protocol na kailangan gawin kagaya ng detection, isolation, treatment bago i-reintegrate sila ulit sa cadet corps,” wika niya pa.

Pawang asymptomatic aniya ang 50 pasyente at sinailalim na sa isolation.

Dagdag ni Arevalo, malamang na i-lock down ang PMA “kung lalaki pa itong bilang na ito.”

The post Mga PMA cadet tinamaan ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pma-cadet-tinamaan-ng-covid/)