Nagsimula nang magsulputan ang mga nagtitinda ng tikoy sa Binondo, Maynila dahil sa papalapit na Chinese New Year (CNY).

Ayon sa ulat, tumaas na ng P30 hanggang P50 ang presyo ng tikoy kumpara noong nakaraang taon.

Anang mga nagtitinda ng naturang produkto, maaari naman nilang ibalik sa supplier ang mga tikoy kapag hindi ito nabenta.

Matatandaang inanunsyo kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno na kanselado ang lahat ng aktibidad para sa CNY sa Maynila.

Ito ay matapos ilabas ng kanilang lokal na pamahalaan ang Executive Order No. 4 series of 2021 na nagbabawal sa pagsasagawa ng dragon dance, street party, stage show at parada mula Pebrero 11 hanggang 12.

“The activities during the (Chinese) New Year celebration, if not canceled, can be surely an easy medium of Covid-19 spread and transmission, thereby endangering the health, well-being and safety not only of residents but also their visitors who will join them in the celebration,” ani Moreno.

The post Mga tikoy vendor sa Binondo nagsimula nang magsulputan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-tikoy-vendor-sa-binondo-nagsimula-nang-magsulputan/)