Wanted ang isang lalaki matapos niyang mapatay ang kanyang asawa sa Brgy. Mo-boob sa probinsya ng Samar nitong Biyernes,

Kinilala ang suspek na si Liberato Cabubas, ayon kay San Jorge police chief PCapt. Michael Canete.

Nakita sa imbestigasyon na posibleng lasing umano ang lalaki ng kanyang saksakin ang kanyang misis na pinangalanang si Jennifer.

Nagtamo ng sugat ang biktima sa bandang dibdib na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Samantala, tatlong indibiduwal pa ang nasaksak ni Cabubas habang papatakas.

Patuloy pang hinahanap ang suspek, habang nasa Eastern Visayas Regional Medical Center naman ang tatlong nasugatan sa insidente.

The post Mister pinatay sariling asawa, 3 pa sinaksak first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mister-pinatay-sariling-asawa-3-pa-sinaksak/)