May mensahe ang nanay na si Sharon Dacera sa mga suspek sa pagpatay at panghahalay sa kanyang anak na si Christine.

“Kung anumang kababuyan ginawa n’yo sa anak ko, hindi deserve ni Christine ‘yun, hindi deserve ng anak ko!” bigkas ni Sharon sa isang ulat.

Kasong rape with homicide ang sinampa laban sa 11 lalaki na kasama ni Dacera sa hotel party noong Bagong Taon.

Tatlo pa lang ang hawak ng pulis at walo pa ang hinahanap.

Daing ni Sharon sa mga malaya pang suspek, sumuko na.

“Buti kayo, buhay! Mamatay kayo sa kulungan!” bulalas ng ina habang umiiyak.

“Buhay ang hiniram n’yo sa amin, buhay din ang kabayaran. Pagsisihan n’yo ‘yan!” aniya pa.

The post Nanay Dacera sa mga suspek: Mamatay kayo sa kulungan! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nanay-dacera-sa-mga-suspek-mamatay-kayo-sa-kulungan/)