Sumaludo ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isa nitong tauhan na tumulong sa isang biktima ng banggaan sa Zamboanga City noong unang araw ng 2021.

Kuwento ng PCG, sa isang Facebook post ngayong Lunes, isa si Seaman First Class (SN1) Aljimar Yusop sa mga nakasaksi sa banggaan ng isang motorsiklo at isang van sa kahabaan ng Barangay Talon-Talon.

Dahil sa banggaan ay bumuwal umano ang motorsiklo at tumama ang ulo ng biktima na si Noel Tutas sa sementadong kalsada.

Agad umanong rumesponde si Yusop sa pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR).

Pagkalipas ng tatlong minuto ay muling nagkamalay ang biktima at agad na dinala sa Zamboanga City Medical Hospital.

“Saludo kami sa iyo, SN1 Yusop! Modelo ka ng isang lingkod bayan na may takot sa Diyos, mapagmahal sa bansa, at mapagmalasakit sa kapwa,” wika ng PCG, Enero 4.

“Sa iyong kabayanihan, nahikayat mo ang bawat miyembro ng serbisyo na patuloy na isabuhay ang ating sinumpaang tungkulin sa bayan!” dagdag nito.

https://www.facebook.com/coastguardph/posts/675567686445222?__cft__[0]=AZXeOJDgMpvbJpUbllTX2cb7B8Ho6q4bA4Zm6TGEDw7gzbjH2uPSCfzo_inHdWI3lTVkBmeRROnCcORiRIMn3kXjvmkuiD4pJf3osUMj3r3ykD-XMcJG6u1oKQdXSUgrHMAqWIUds79p7sYjWfNAl8oa&__tn__=%2CO%2CP-R

The post Off-duty PCG personnel tumulong sa nadisgrasyang motorista first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/off-duty-pcg-personnel-tumulong-sa-nadisgrasyang-motorista/)