Nanguna si Senador Manny Pacquiao sa survey ng Pulse Asia ukol sa mga posibleng senatorial candidate sa halalan 2022.

62.1 percent ng mga survey respondent ang nagsabing iboboto uli nila si Pacquiao bilang senador kung gaganapin ang eleksiyon sa panahon na ginawa ang survey.

Sumunod naman si broadcaster Raffy Tulfo na may 54.3%, presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte (50.9%), at Manila Mayor Isko Moreno (48.4%).

Marami rin ang pabor na maging senador sina Sorsogon Governor Chiz Escudero (46.7%), Taguig City-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (46%), at Antique Rep. Loren Legarda (45.6%).

Gayundin si dating Sen. Bongbong Marcos (41.8%), at mga senador Ping Lacson (38.2%) at Juan Miguel Zubiri (35.7%).

Pasok din sa listahan ng mga maaaring magwagi sina senators Sherwin Gatchalian, Francis Pangilinan, Risa Hontiveros at Richard Gordon, dating Sen. Jinggoy Estrada, at Public Works Secretary Mark Villar.

“Even though the May 2022 elections are still about 15 months away, 58 percent of Filipino adults are already identifying 12 individuals they are inclined to elect to the Senate,” ayon sa Pulse Asia.

Itong nationwide survey ng Pulse Asia ay nilahukan ng 2,400 representative adults at sinagawa mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 2 sa pamamagitan ng mga face-to-face interview.

The post Pacquiao, Tulfo matunog sa pagka-senador first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-tulfo-matunog-sa-pagka-senador/)