Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte ang ipagpaliban ang pagtaas ng buwanang kontribusyon ng mga miyembro Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) subalit kailangan magkaroon ng batas para dito, ayon kay Senador Christopher “Bong” Go.

“Base sa usapan namin ni Pangulong Duterte, sang-ayon naman po siya na ipagpaliban pansamantala muna ang pagtaas sa rates ng contributions ng PhilHealth habang may pandemya pa tayong kinakaharap,”pahayag ni Go sa isang statement.

“Sinabi niya na kung may maipapasang batas ang lehislatibo na naglalayong ipatupad ang deferment, o kung may kailangang aprubahan na dagdag na pondo mula gobyerno para hindi maantala ang serbisyo ng PhilHealth, pipirmahan niya ito pagkatapos mapag-aralan ng mabuti,” dagdag pa nito.

Sabi ni Go, chairman ng Senate health committee, pinag-aaralan ng Department of Budget and Management (DBM) kung paano mapupunan ang ponding kinakilangan ng state health insurer para sa serbisyong maapektuhan na pagpapaliban na contribution hike.
“The government, as a whole, must do its best to unburden Filipinos by shouldering the cost while ensuring that the UHC (Universal Health Care) law is implemented and the services of PhilHealth are unhampered,” sabi ng senador.

Nauna nang sinabi ni Go na maaring ipagpaliban ang dagdag na kontribusyon sa PhilHealth sa pamamagitan ng isang probisyon sa panukalang Bayanihan 3.
“I am appealing to our government finance managers and fellow legislators to highly consider the deferment of the implementation of the increase in PhilHealth contribution rate for 2021,” pahayag ni Go.

Nauna nang inihayag ng PhilHealth na ang contribution hike ay para matiyak na magkakaroon ng sapat na pondo sa healthcare benefits ng 110 milyon miyembro nito na nakasaad sa Republic Act No. 11223 o UHC law.

“Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para mapagaan ang pinapasan ng taumbayan. Hirap na ang ating mga kababayan, huwag na natin silang mas pahirapan pa,” ayon pa kay Go. (Dindo Matining)

The post Pagpapaliban sa PhilHealth contribution hike, okay kay Duterte – Go first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagpapaliban-sa-philhealth-contribution-hike-okay-kay-duterte-go/)