Nakumpirma na na may new COVID-19 strain sa Tsina. Bakit di parin ito kasali sa listahan ng travel ban?”

Ito ang sinabi ni Senadora Risa Hontiveros kasabay ng panawagan sa Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA) na irekomenda na isama ang China sa listahan ng mga bansang pinagbawalang makapasok sa bansa para mapigilan ang pagpasok ng bagong COVID-19 variant.

“Tigilan na ang kababalaghan. Bakit exempted ang China? Natatakot nanaman ba tayong masaktan ang damdamin nito? Unahin naman natin ang Pilipinas,” sabi ni Hontiveros.

Kasunod ng rekomendasyon ng DOH at DFA, isinama ng Office of the President ang US sa listahan ng mga bansang kasama sa travel restriction kasunod ng pagtaas ng bagong kaso sa naturang bansa.

Sabi ni Hontiveros, kung isinama sa listahan ang US, dapat isama din ang China.

“Lubos na nakakahawa ang new variant na ito. Huwag na nating hintayin na maghingalo pa ang ating mga ospital at mahirapan pa ang ating mga nars at doktor bago umaksyon,” ayon kay Hontiveros.

Nauna nang kinumpirma ng China na isang 23-anyos na babae na nagmula sa United Kingdom ang nagpositibo sa bagong COVID-19 strain.

Bago pa tumama ang COVID-19 pandemic noong Enero 2020, nauna nang nanawagan si Hontiveros sa gobyerno na magpatupad ng travel ban sa indibidwal mula sa Wuhan, China.

“Matuto naman tayo. We already know that a temporary travel ban can buy us time to prepare for any potential outbreaks of the new variant. Ang ban ay isa lang sa napakaraming hakbang na dapat ginagawa na natin para mag-ingat at mapanatiling ligtas ang mga Pilipino,” sabi ni Hontiveros

The post Pasahero mula China, isama sa travel ban – Hontiveros first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasahero-mula-china-isama-sa-travel-ban-hontiveros/)