Kung makapipili ng brand si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ng COVID-19, Sinopharm ang kanyang gustong maturok sa kanya.

Lahad ni Bato, nagmula ito sa kanyang sariling research at kanyang nakita na ito raw ang ‘pinaka-safe’ sa ginamit na technology sa paggawa ng bakuna.

“Kung tanungin ako ni [vaccine czar] Sec [Carlito] Galvez [Jr.] kung anong brand ang gusto ko, sabihin ko Sinopharm siguro ang gusto ko. Kasi nag-conduct akong sariling research, lumabas na ito ang pinaka-safe na technology na ginagamit nila,” lahad ni Dela Rosa sa dwIZ.

Nilinaw din ni Dela Rosa na hindi siya medical expert.

Aniya pa, handa rin siyang isapubliko ang pagpapabakuna basta’t aprubadong vaccine ng gobyerno ang ituturok.

The post Pinaka-safe daw! Bato Sinopharm gustong ipaturok first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinaka-safe-daw-bato-sinopharm-gustong-ipaturok/)