Hindi nakadalo sa misa para sa Bagong Taon si Pope Francis.

Dahil doon, si Cardinal Giovanni Battista ang nagbasa ng homiliya ng Santo Papa noong Dec. 31 para sa First Vespers liturgy o Evening Prayer sa St. Peter’s Basilica.

Ayon sa report sa CNN, hindi nakadalo sa prayer service ang Santo Papa dahil sa sciatic pain, na pananakit mula sa ibabang bahagi ng likod hanggang sa ibabang parte ng katawan.

Ilang taon nang dumadanas ng sciatica si Pope Francis.

Ibinunyag niya pa noon na “the worst thing” na nangyari sa unang mga buwan ng pagiging Santo Papa niya ay ang pag-atake ng kanyang sciatica.

“I had the first month, because I was sitting in an armchair to do interviews and it hurt,” aniya.

“Sciatica is very painful, very painful! I don’t wish it on anyone!” dagdag niya

The post Pope Francis absent sa New Year mass first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pope-francis-absent-sa-new-year-mass/)