Hindi na umano kailangan pang ipatawag si Presidential Security Group (PSG) chief Brig. Gen. Jesus Durante III sa pagdinig ng Senado vaccination program ng gobyerno, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Ginawa ang pahayag kasunod ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso kaugnay sa isyu ng maagang pagbakuna ng mga kasapi ng PSG gamit ang hindi pa rehistradong COVID-19 vaccine.

Sabi ni Drilon, may kapangyarihan naman si Duterte na igiit ang “executive privilege” para pigilan si Durante na dumalo sa pagdinig sa Kongreso sa gitna ng kontroberisya sa PSG.

Paliwanag nito, ang executive privilege ay isang kinikilalang kapangyarihan ng Panngulo sa ilalim ng Executive Order 464 na sinang-ayunan ng Korte Suprema.

“Ang sabi ng Korte Suprema, valid ‘yan ngunit dahilan sa mga kung ano ang subject ng inquiry, hindi dahil sa ikaw ay Cabinet member or ikaw ay whatever agency na exempted ka,” sabi ni Drilon.

“Ang important, ang ground for the invocation of the executive privilege. Dapat may basehan, hindi naman arbitrary,” dagdag pa nito.

Subalit iginiit nitong hindi magagawa ng isang executive privilege na pigilan ang Kongreso sa pagsasagawa ng kanilang mandato na mag-imbestigate, in aid of legislation, sa mga isyu katulad ng pagpasok ng hindi rehistraong COVID-19 vaccine sa bansa.

Sabi pa ng senador, mag-iimbita na lang ang Senado ba inang resource person at hindi kailangan pang ipatawag si Durante.

“Hindi na kailangan [Durante],” ani Drilon.

The post PSG chief ‘di na kailangan ipatawag ng Senado – Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/psg-chief-di-na-kailangan-ipatawag-ng-senado-drilon/)