Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos niyang makipagbarilan sa mga miyembro ng Special ­Operations Group – Cabanatuan City Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Valle Cruz, Nueva Ecija noong Biyernes.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Jerwin Gonzales alyas ‘Ipe.’

Nadakip naman ng kapulisan ang kasama nito na si Melody Cabiso.

Kwento ni P/SSg Michael Coronel, alas-6 ng gabi nila ikinasa ang operasyon.

Nakutoban umano ng suspek na parak ang pinagbentahan niya kaya ito agad na tumakbo.

Aniya, bumunot pa ng baril si ‘Ipe’ at pinaputukan ang mga awtoridad.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis na naging sanhi ng pagkamatay ng suspek.

Hawak ngayon ng mga awtoridad ang nasamsam na kalibre .45 baril at isang pakete ng shabu mula sa suspek

The post Pusher todas sa buy-bust ops sa Nueva Ecija first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pusher-todas-sa-buy-bust-ops-sa-nueva-ecija1/)