Hindi magiging problema ang pagpapatupad ng mga health protocol sa Quiapo Church, Maynila dahil kakaunti pa lamang ang mga debotong nagpupunta rito kahit pa ika-anim na araw na ng novena bago sumpit ang Traslacion 2021 na gaganapin sa Sabado, Enero 9.

Ayon sa ulat, maski ang labas ng simbahan ay kaunti lamang din ang mga tao. Posible umanong sinunod ng mga deboto ang menshae ni Msgr. Hernando Coronel na huwag na magtungo sa simbahan at sa kanya-kanyang bahay na lang magdasal.

Dulot nito, humina ang mga negosyo sa labas ng simbahan tulad ng mga maliliit na stall na nagtitinda ng mga kagamitang may kaugnayan sa Poong Nazareno.

Dadalhin ang imahen ni Poong Nazareno sa San Isidro Parish Las PiƱas, Mother of Perpetual Help sa Cabanatuan City at sa Bureau of Fire Protection sa Quezon City ngayong araw.

Inaasahan din ang paglobo ng dami ng tao sa darating na Biyernes, Enero 8, at sa Sabado, araw ng Traslacion.

The post Quiapo Church hindi pa tinatao sa ika-6 na araw ng novena first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/quiapo-church-hindi-pa-tinatao-sa-ika-6-na-araw-ng-novena1/)