Nagsimula nang magtipon-tipon ang mga deboto sa unang araw ng taon para maghanda sa pista ng itim na Nazareno sa Quiapo Church, lungsod ng Maynila.

Ayon sa ulat, nagsidalo ang mga deboto sa misa kahapon.

Ang ibang deboto naman na wala sa loob ng parokya ay matatagpuan sa Quezon Boulevard na nakikinig misa sa video wall ng simbahan.

Ang iba naman ay matyagang hinintay ang ilang oras para makapasok sa Plaza Miranda.

“Ang habol lang kasi namin ‘yung bendisyon, para maramdaman namin ang milagro ng Poong Nazareno,” wika ni Malikibet Manuel, isang deboto, sa panayam.

Ayon naman sa ibang deboto na nagmula Carriedo, lumuwag ang kanilang pakiramdam matapos makapakinig ng misa.

Nauna nang ipinagdiwang ng ilang mga obispo ang simula ng pista ng itim na Nazareno noong nakaraang Huwebes, Disyembre 31.

The post Quiapo church nagsimula nang dumugin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/quiapo-church-nagsimula-nang-dumugin/)