Inaprubahan ng House panel ang isang panukala upang kilalaning national artist ang namayapang si dating senador Ramon Revilla Sr., na ama ni Senador Bong Revilla.

Sa pagpupulong noong Huwebes, inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture ang Resolution 1176 na nagnonomina kay Revilla para sa national artist award for film bilang pagkilala sa kanyang mga ambag sa industriya ng Philippine entertainment.

Pinangunahan ni Majority Leader Martin Romualdez ang 24 kongresista na nag-endorso sa panukala.

Binanggit nila ang ilang dekadang pagtatrabaho ni Revilla bilang entertainment icon, aktor, producer, writer, director at public servant.

Pati na ang mga natanggap nitong award kabilang na ang Best Actor at Box Office King at Lifetime Achievement Award mula sa Catholic Mass Media Awards.

Taong 2008 nang maka-survive sa stroke si Revilla Sr.

Pumanaw siya sa edad na 93 noong Hunyo 2020 dahil sa heart failure.

The post Ramon Revilla Sr. bilang national artist suportado sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ramon-revilla-sr-bilang-national-artist-suportado-sa-kamara/)