Bumilib si Vice President Leni Robredo sa ‘irrevocable’ resignation ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar ng bansa.

Aniya, dapat tularan ang alkalde sa ipinakita niyang accountability.

“Napakahusay nung pag-ako ng accountability. Para sa’kin, karapat-dapat tularan, na ‘pag merong pagkakamaling nagawa o mga hindi nagawa, ‘yung ganito, para sa’kin, pagrespeto sa opisina,” pahayag ni Robredo sa kanyang lingguhang raido show.

Aniya, dapat ganoon din ang gawin ng mga public official na ‘pumapalpak’ sa kanilang gawain.

“Sa’kin, obviously, merong lapse. Pero bilib naman ako kay Mayor Magalong na malakas yung sense of accountability. Kung meron mang nagawang lapse, dapat ganito yung response ng mga public officials na nalalagay sa ganitong sitwasyon,” sambit niya.

“‘Pag ganito ang ating public officials, yung respeto ng mga tao sa institusyon, mabu-boost – na ‘yung ‘pag may kasalanan, inaako yung kasalanan, walang pagdepensa sa sarili. Ang sinasabi lang, inaaako, mananagot,” dagdag pa nito.

Matatandaang nagbitiw sa naturang puwesto si Magalong noong Biyernes, Enero 29, dahil sa kinasangkutang ‘maskless’ party ni media personality Tim Yap noong Enero 17.

The post Robredo kay Magalong: Bilib ako sa accountability mo! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-kay-magalong-bilib-ako-sa-accountability-mo/)