sang sanggol ang muntik nang maging anghel kung hindi ito binigyan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) ng isang medical team.

Ayon sa mga doktor na sila Dr. Enrico Elumba, Paul Abraham Cortez at Benedict Hamla, hindi nila tinantanan ang sanggol hanggat hindi ito nare-revive.

Ayon sa ulat, isinilang ang bata Linggo ng gabi at halos ideklara na itong patay dahil nagkukulay itim na ang bata at hindi na humihinga,

“Nu’ng lumabas ang baby, ide-declare na sana ng isa naming staff kay doc na patay na. Pero lumabas si doc sa office niya at pumunta sa ER tapos nag-instruct sa amin na gawin ang CPR,” ani Cortez sa isang panayam.

Dagdag pa niya, nahirapan ang ina ng bata, 18-anyos, dahilan kung bakit hindi na humihinga ang bata nang ilabas.

“Kasi 18-years-old pa lang ‘yung nanay, parang pinipigilan niyang lumabas ‘yung bata kaya hindi na nakahinga. Makikita na sana ang baby dahil lumalabas na ang ulo niya,” aniya.

Binigyan ito ni Elumba ng CPR sa loob ng halos kalahating oras at tuluyan nang nasagip ang bata.

Pinangalanang Enrica Paula ang sanggol na binase sa pangalan ng Doctor.

The post Sanggol na muntik nang malagutan ng hininga, binigyan ng CPR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sanggol-na-muntik-nang-malagutan-ng-hininga-binigyan-ng-cpr/)