Nakatakdang isama sa online learning module ng mga estudyanteng Pinoy ang subject na sex education.

Sinabi ito ni Commission on Population and Development (PopCom) Executive Director Juan Antonio Perez III kasunod ng tantiyang pag-akyat ng populasyon ng bansa ngayong taong 2021.

Dagdag niya, Oktubre 2020 sinimulan ng Department of Education (DepEd) ang pakikipag-ugnayan nito sa mga tanggapan nito hinggil sa paglalakip ng Comprehensive Sexuality Education sa mga module.

Bibigyang-prayoridad sa launch ng nasabing asignatura ang Ilocos, Central Visayas, at Davao Region dahil ito ang mga lugar sa bansa na may pinakamataas na insidente ng adolescent pregnancy.

The post Sex ed ipapasok sa module first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sex-ed-ipapasok-sa-module/)