Sabi ni Senate President Tito Sotto, apat na araw na silang walang internet connection.

Kaya naman, aniya sa isang tweet kagabi, aalisin niya na ang Converge.

“Our converge internet connection has been down for 4 days now. I’m getting rid of it!” banggit ng senador, sabay tag sa verified Twitter account ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Nag-reply sa tweet ang Converge ICT at inabisuhang magpadala si Sotto sa kanila ng private message para maprotektahan ang pribadong impormasyon nito.

Noon namang nakaraang taon, nag-trend ang Converge dahil nagreklamo si aktres Liza Soberano sa bilis ng internet connection niya sa nasabing internet service provider.

Lumipat si Liza sa PLDT pagkatapos.

The post Sotto tatanggalin Converge first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sotto-tatanggalin-converge/)