Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaliban ng dagdag-kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Nakatakda kasing umakyat ang premium rate ng PhilHealth ngayong taon sa 3.5% mula sa 3% noong 2020.

Sa kanyang mensahe sa bayan, Lunes, sinabi niya, “May I suggest to the PhilHealth chairman, si Dante Gierran…huwag muna ngayon. No increase in contributions.”

“I will look for the money to fill it up,” pangako niya pa.

Unang sinabi ni Senador Bong Go na itong hakbang ni Duterte ay alang-alang sa paghagupit ng pandemyang COVID-19 sa mga Pinoy.

Gayunman, hindi naman sinabi ng dating aide ng Pangulo kung kelan epektibo ang kautusan. Wala rin siyang iba pang detalyeng binigay.

Sa ngayon, wala pang nilalabas na pahayag ang PhilHealth sa isyu.

The post Taas-kontribusyon ng PhilHealth inantala ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taas-kontribusyon-ng-philhealth-inantala-ni-duterte/)