Nadagdagan ng 2,103 mga bagong kaso ng tinamaan ng COVID-19 ang naitala ngayong araw. Sa kabuuan, 525,618 na ang tinamaan ng naturang virus sa bansa.

Nakapagtala naman ng 11,653 new recovery ang Department of Health ngayong Linggo.

Sa kabuuan, 487,551 na ang gumaling mula sa COVID-19.

Nadagdagan naman ng 80 ang nasawi sa virus. Kasalukuyang nasa 10,749 na ang death toll rate ng bansa.

Sa ngayon, 27,318 na ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa.

The post Tinamaan ng COVID-19 sa bansa lampas 525k na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tinamaan-ng-covid-19-sa-bansa-lampas-525k-na/)